Ang aking paboritong alahas ay ang aking mga hikaw! Bukod sa bags, ito ang isa sa aking mga koleksiyon. Mahilig ako sa “dangling”, pa kikay ba! Hindi man sila mamahalin ngunit para sa akin sila ay mga “precious gems”. Nakakalungkot nga lang sapagkat madami na sa mga ito ang nawalan ng pares…kung hindi nasira o napigtas…minsa naman ay nawala. =) Naalala ko pa nung una akong bigyan ng aking asawa ng ganitong hikaw…kinilig ako sapagkat nahalata niya na mahilig ako sa mga hikaw na ganito ang klase. Sayang nga lang at nasira na nag hikaw na iyun….mumurahin lamang kasi, binili nya lamang ata sa isang kakilala sa opisina. Ngunit masaya ako na binigyan niya ako ng kahit anu mang bagay basta galing sa kanya. Ang sweet di bah? Hay…tama na nga ang kilig factor na ito. Maligayang LP sa inyung lahat!!!!