Happy Valentines to all!!! Here’s my entry for this week’s theme “toy that shows love” weheheeh! I have already posted it for Litratong pinoy that’s why i am just editing it for Toy hunt. This is my daughter ISHI’s stuff toy!

Eto na naman at nalalapit na ang araw ng mga puso….kung saan ang mga mag sing-irog ay masayang ipinagdiriwang ito. Makikita mo na naman ang mga naglipana na mga puso….pusong tigang at pusong nag uumapaw sa kaligayahan. Heheheheheh =)

Narito ang aking lahok sa tema ng lingong ito…..”PUSO”. Puso na hawak hawak ng isang munting teddy bear. Hindi ko na maalala kung kanino nanggaling ito at kung kanino ito. Sa aking palahay ay sa aking babaeng anak ang teddy bear na ito. Hindi naman siguro sa aking lalaking anak at lalong hindi sa akin yan sapagkat simula ng maging kagsintahan kame ng aking asawa’y isang beses nya lamang akong nabigyan ng stuff toy. Hehhehehehe =) Hindi naman sa nagpaparinig, nagsasabi lamang ng totoo. Nguni’t hindi naman ako naghahangad ng anumang regalo sa aking asawa mula ng kami ay magkasintahan pa lamang, basta’t siya ay nasa aking tabi lagi, masaya na ako. Mahal na mahal ko ang aking asawa! Higit pa sa mamahaling regalo ang pagmamahal na pinakita niya. Maligayang araw ng mga puso sa ating lahat!!! =)